We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! LIBRENG SAKAY PARA SA MARINONG PILIPINO

By Merrowen Mendoza on June 24, 2019 under Announcements

537b9713-e64b-4c8c-86b3-0297ec110e20.jpg

Magbibigay ng libreng sakay bukas, ika-25 ng Hunyo 2019, ang DOTr MRT-3 para sa mga Pilipinong marino bilang pakikiisa ng ahensya sa taunang pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer!

May libreng sakay mula alas-5:30 ng umaga hanggang matapos ang operasyon ng MRT-3.

Ipakita lamang ang inyong Seafarer's Identification and Record Book (SIRB) o PRC ID sa aming Ticket Seller o sa aming Security Guard na naka-istasyon sa service gate upang ma-avail ang libreng sakay.

Saludo po ang DOTr MRT-3 sa mga Pilipinong marino! Ingat po sa biyahe!