We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
​MAGANDANG BALITA! DEPLOYMENT NG DALIAN TRAIN SA MRT-3, EXTENDED!

By Merrowen Mendoza on November 30, 2019 under News

160d0fd7-faa4-4c6e-b017-446f1433fece.jpg

EXTENDED PA MORE ang initial deployment period ng Dalian trains sa linya ng MRT-3!

Ibig sabihin, hanggang 31 Disyembre 2019 na tatakbo ang mga Dalian trains na nagdaan na sa commissioning runs sa ilalim ng DOTr-MRT3, at kasalukuyang magdadaan sa pagaaral ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Hindi lang po 'yan! HAPON AT GABI nang bibiyahe kada araw ang Dalian trains. Mula sa dating oras na 8:30PM to 10:30PM, ngayon, maging sa oras na 1PM hanggang 3PM ay magseserbisyo-publiko na ang nasabing train sets.

Ang extension ng trial deployment ng Dalian ay upang mas maobserbahan pang mabuti ang performance ng Dalian train sets sa linya ng MRT-3. Ito ay makatutulong din sa inaasahang dagsa ng mga mananakay ngayong Christmas season.

Ang nasabing Dalian train sets ay kabilang na sa regular fleet ng MRT-3 na bumibiyahe araw-araw. Ito ay matapos pirmahan ng maintenance provider na Sumitomo noong 14 Oktubre 2019 ang kasunduang nagbibigay pahintulot na limitadong patakbuhin ang Dalian train sets sa MRT-3.

Gayunman, ipinababatid ng ahensya na sa gitna ng patuloy na pagpapalit ng riles ng MRT-3 at iba pang rehabilitation works sa main line ay maaaring pansamantalang isuspinde ang deployment ng nasabing train sets.

Ang isang Dalian train set na may tatlong bagon ay kayang makapagsakay ng 1,050 pasahero kada biyahe.