We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
GOOD VIBES! KOMENTO NG MGA MANANAKAY NG MRT-3 HINGGIL SA MGA BAGONG RILES NA NAIKABIT SA LINYA

By Merrowen Mendoza on December 05, 2019 under News

b6bd2102-40e3-455c-87e6-a7dbb08723b9.jpg

'Wala nang "grrrg grrrg" na sounds sa riles' ng Buendia hanggang Magallanes station (Southbound).

Ganyan inilarawan ng isa sa aming mga pasahero ang riles sa nasabing segment ng MRT-3. Aniya, nabawasan na ang tagtag at mas swabe na ang biyahe ng mga tren mula nang mapalitan ang mga baku-bakong riles.

Matatandaang sinimulan gabi ng 04 Nobyembre 2019 ang rail replacement activities sa MRT-3 Buendia Station. Bahagi ito ng malawakang rehabilitasyon ng MRT-3.

ddc8da0a-027e-4d2e-a3ce-a72f74b2566e.jpg

Sa ngayon ay natapos na ang paglalagay ng mga bagong riles sa Buendia station hanggang Magallanes station (Southbound). Nagsimula naman nitong 23 Nobyembre 2019 ang pagpapalit ng riles sa Magallanes patungo sa huling istasyon, sa Taft Avenue.

Layunin ng pagpapalit ng mga bagong riles na maiwasan ang pagkakatagtag ng mga bagon habang nasa biyahe at makapagbigay ng mas mabilis na takbo ng mga tren upang mapaiksi ang waiting time at mas maraming pasahero ang maserbisyuhan araw-araw.

Inaaasahang matatapos ang rail replacement activities sa Pebrero 2021.

e0d5239d-9311-4401-8b96-0473a6d86be3.jpg

Ika nga ng isang netizen, 'ang bilis! Ang linis! Sana wala ng mintis!'