29 August 2008

Clarifications about the Alay kay Nanay at Tatay Project

Ang Alay kay Nanay at Tatay Project ay proyekto ng DOTC-MRT3 at ng Good Morning Kuya ng UNTV 37. Ito ay binuo upang makapagbigay ng tulong sa ating mga Senior Citizens na sumasakay ng MRT. Ang programang Good Morning Kuya ay programa ni Kuya Daniel Razon na kung saan ito ay naghahandog ng serbisyong pampubliko. Ang nasabing programa ang  siyang mamimigay ng libreng MRT3 Tickets sa mga Senior Citizens sa naka talaga na MRT3 Station. Araw-araw ay inaanunsyo sa Good Morning Kuya ng UNTV37 kung anong MRT Station ang nakatalagang mamigay ng libreng ticket. Ang libreng ticket ay maaaring makuha simula 5:30 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga. Kinakailangan na may maipakitang Senior Citizen ID ang mga nakakatanda upang mabigyan sila ng MRT3 ng Senior Citizen Authorization Slip. Ito ay kanilang ipapakita sa mga tauhan ng Good Morning Kuya sa naturang MRT Station, at sila din ang magbibigay ng libreng MRT Ticket. Ipinapaalala ng pamunuan ng MRT3 na ang discounted fare ng Senior Citizen ay mananatiling ipinapatupad sa lahat ng MRT3 Station. Ang 20 % discount ng mga Senior Citizen ay makukuha sa pamamagitan ng pagpapakita ng Senior Citizen ID. Ang Alay kay Nanay at Tatay Project ng DOTC-MRT3 at ng Good Morning Kuya ay magpapatuloy sa loob ng isang isang taon. Para sa dagdag kaalaman tungkol sa proyektong ito maaari po bumisita sa www.dotcmrt3.gov.ph at sa mga panuntunan na naka paskil sa lahat ng estasyon ng MRT3.