We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
MAGANDANG BALITA! PAGKAKABIT NG LATEST TECHNOLOGY SA SIGNALLING AND COMMUNICATIONS SYSTEM NG MRT-3 NAGPAPATULOY

By Merrowen Mendoza on October 23, 2019 under News

6b5b087a-5989-44ac-ad3b-574806007729.jpg

TULUY-TULOY ang pag-a-upgrade ng signalling and communications system ng MRT-3!

Sa katunayan, sinimulan na noong ika-19 ng Setyembre 2019 ang pagkakabit ng 20 reels ng fiber optic cables (FOCs) sa buong kahabaan ng MRT-3 -- mula sa Depot sa Quezon City hanggang Taft Avenue Station sa Pasay City.

Inaasahang matatapos ang pagkakabit ng mga FOCs sa ika-31 ng Disyembre 2019.

Kung dati, copper wires lamang ang ginagamit para sa signalling system ng MRT-3, ngayon, sa ilalim ng komprehensibong rehabilitasyon ng rail line, mapapalitan na ng mas modernong kagamitan ang system.

Layon ng railway signalling system na mapanatili ang ligtas na distansya ng mga tren sa bawat isa habang nasa linya.