We're LIVE! Join us as we stream BAC Activities
GOOD VIBES: POSITIBONG KOMENTO MULA SA MGA MANANAKAY NG MRT-3 SA DALIAN TRAINS

By King Al Mendoza on October 22, 2019 under News

874723ff-fa89-4c84-a1dd-5e2c85c4afb3.png

GOOD VIBES: POSITIBO ang naging tugon ng ating mga pasahero sa unang linggo ng pag-arangkada ng Dalian train sa mainline ng MRT-3!

Ang nasabing train set ay sinimulang i-deploy noong ika-15 Oktubre 2019, 8:30 PM - 10:30 PM, mula North Avenue hanggang Taft Avenue Station. Ito ay tatakbo hanggang ika-31 ng Oktubre 2019 bilang bahagi ng initial trial period.

Ayon sa ating mga pasahero, naging maayos at maginhawa ang kanilang pagbiyahe lulan ng nasabing tren.

Ang isang train set ng Dalian ay kayang magsakay ng 1,050 pasahero kada one-way trip.