Alay Kay Nanay at Tatay Project umabot na sa 5,295 na Senior Citizens
Simula nung Enero 15, 2008 ang pamasahe ni Lolo at Lola sa MRT3 ay libre sa pamamagitan ng programa ni Kuya Daniel Razon ng UNTV 37. Sa pakikipagtulungan ng DOTC-MRT3 at nang naturang programa ang proyektong ito ay nakapagkaloob na nang libreng pasahe sa mga 5,295 Senior Citizens.
“Pinagmamalaki nang pamunuan ng MRT3 ang programang ito na nakatutulong sa ating mga Senior Citizens” pahayag ni Asec. Roberto T. Lastimoso ng MRT3. Ang proyektong ito ay alinsunod sa programa ng mahal na Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong bigyang halaga ang mga Pilipino na nangangailangan ng mas masusing atensyon.
Ang panuntunan upang makamit ang probelehiyong ito ay mababasa sa lahat nang estasyon ng MRT3 at maaaring manghingi nang kaukulang paliwanag sa lahat ng empleyado ng MRT3. Maaari ring mag log-in sa website nang MRT3 gamit ang address na www.dotcmrt3.gov.ph.





