12 March 2010

ALAY KAY NANAY AT TATAY PROJECT

 SERBISYONG PAMPUBLIKO HANDOG NG DOTC-MRT3 AT UNTV37 PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

 

Sa pamamagitan ng Alay Kay Nanay at Tatay Project ay patuloy na makakasakay ang mga Senior Citizens sa MRT3 nang libre. Isang proyekto na kung saan binabayaran ng Good Morning Kuya ng UNTV 37 ang balanse sa 20% discount na binibigay sa mga Senior Citizens.

Sa kasalukuyan, umabot na ng mahigit 83,000 Senior Citizens ang natulungan ng Alay Kay Nanay at Tatay Project.  Base sa pag-aaral na isinigawa ng bumubuo sa nasabing programa, tumaas ng 35% ang dami ng mga Senior Citizen na tumangkilik dito sa unang apat na buwan ng taong 2009. Ito ay kinumpara sa unang apat na buwan na tala ng Alay kay Nanay at Tatay Project ridership nang simulan ito noong January 2008, sa pagtutulungan ng DOTC-MRT3 at Good Morning Kuya ng UNTV37.

Ayon sa General Manager ng DOTC-MRT3 na si Asec. Reynaldo I. Berroya, ang proyektong ito ay alinsunod sa programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong bigyang halaga ang mga Pilipino na nangangailangan ng mas masusing atensyon. 

Ang Good Morning Kuya ng UNTV 37 ay ang siyang nakatalagang mamigay ng libreng tickets sa mga Senior Citizens sa MRT3 Stations. Araw-araw ay inaanunsyo sa programa ng Good Morning Kuya ng UNTV37 ang MRT3 station kung saan sila nakatalagang mamimigay ng ticket. Ang libreng ticket para sa Senior Citizen ay maaaring makuha simula 5:30AM hanggang 9:00AM lamang. Kailangan lang may maipakitang Senior Citizen ID upang mabigyan sila ng MRT3 ng Senior Citizen Authorization Slip. Ito ay kanilang ipapakita sa mga tauhan ng UNTV37 sa naturang MRT Station upang mabigyan ng libreng MRT ticket. 

 

“Dahil sa tagumpay ng programang Alay Kay Nanay at Tatay Project ang pamunuan ng MRT3 ay magpapatuloy sa pagbuo ng mga proyektong siguradong makakatulong sa mga pasahero ng Metrostar Express” pahayag ni Asec. Berroya.

Inaasahan ang patuloy na pagtangkilik ng mga Senior Citizens sa nasabing proyekto, sundan lamang ang schedule na inilaan upang maging gabay. Para sa kaalaman ng mga mananakay ng MRT3 lalo na ng mga Senior Citizens, ang pamimigay ng libreng sakay hatid ng ALAY KAY NANAY AT TATAY PROJECT ay nagsisimula ng 5:30AM hanggang 9:00AM, Lunes hanggang Biyernes sa mga sumusunod na estasyon:


 
ARAW  NORTHBOUND  SOUTHBOUND 
 LUNES  TAFT AVE. STATION  QUEZON AVE. STATION
 MARTES  MAGALLANES STATION  KAMUNING STATION
 MIYERKULES  GUADALUPE STATION  CUBAO STATION
 HUWEBES  BONI STATION NORTH AVE. STATION 
 BIYERNES  SHAW BLVD. STATION  SANTOLAN STATION

 

ANG PANUNTUNAN UPANG MAKAMIT ANG PROBELEHIYONG ITO AY MABABASA SA LAHAT NG MRT3 STATION O MAAARING MANGHINGI NG KAUKULANG PALIWANAG SA MGA EMPLEYADO NG MRT3.