- Home
- About MRT3
- Stations
- Trains
- MRT3 Reminders
- MRT3 Citizens Charter
- MRT3 Work Flowchart
- Using SJT To Ride Train
- Using SVT To Ride Train
- Using SJDT To Ride Train
- Buying SJT From TIM To Ride Train
- Using Flash Pass To Ride Train
- Using GPass Chip To Ride The Train
- When Ticket Is Rejected Upon Entry
- When Ticket Is Rejected Upon Exit (SJDT)
- When Ticket Is Rejected Upon Exit (SJT)
- When Ticket Is Rejected Upon Exit (SVT)
- MRT3 Brochure
- MRT3 Work Flowchart
- Contact MRT3
- MRT3 BAC
- Job Vacancy
ALAY KAY NANAY AT TATAY PROJECT
SERBISYONG PAMPUBLIKO HANDOG NG DOTC-MRT3 AT UNTV37 PARA SA MGA SENIOR CITIZEN
Sa pamamagitan ng Alay Kay Nanay at Tatay Project ay patuloy na makakasakay ang mga Senior Citizens sa MRT3 nang libre. Isang proyekto na kung saan binabayaran ng Good Morning Kuya ng UNTV 37 ang balanse sa 20% discount na binibigay sa mga Senior Citizens.
Sa kasalukuyan, umabot na ng mahigit 83,000 Senior Citizens ang natulungan ng Alay Kay Nanay at Tatay Project. Base sa pag-aaral na isinigawa ng bumubuo sa nasabing programa, tumaas ng 35% ang dami ng mga Senior Citizen na tumangkilik dito sa unang apat na buwan ng taong 2009. Ito ay kinumpara sa unang apat na buwan na tala ng Alay kay Nanay at Tatay Project ridership nang simulan ito noong January 2008, sa pagtutulungan ng DOTC-MRT3 at Good Morning Kuya ng UNTV37.
Ayon sa General Manager ng DOTC-MRT3 na si Asec. Reynaldo I. Berroya, ang proyektong ito ay alinsunod sa programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong bigyang halaga ang mga Pilipino na nangangailangan ng mas masusing atensyon.
Ang Good Morning Kuya ng UNTV 37 ay ang siyang nakatalagang mamigay ng libreng tickets sa mga Senior Citizens sa MRT3 Stations. Araw-araw ay inaanunsyo sa programa ng Good Morning Kuya ng UNTV37 ang MRT3 station kung saan sila nakatalagang mamimigay ng ticket. Ang libreng ticket para sa Senior Citizen ay maaaring makuha simula 5:30AM hanggang 9:00AM lamang. Kailangan lang may maipakitang Senior Citizen ID upang mabigyan sila ng MRT3 ng Senior Citizen Authorization Slip. Ito ay kanilang ipapakita sa mga tauhan ng UNTV37 sa naturang MRT Station upang mabigyan ng libreng MRT ticket.
“Dahil sa tagumpay ng programang Alay Kay Nanay at Tatay Project ang pamunuan ng MRT3 ay magpapatuloy sa pagbuo ng mga proyektong siguradong makakatulong sa mga pasahero ng Metrostar Express” pahayag ni Asec. Berroya.
Inaasahan ang patuloy na pagtangkilik ng mga Senior Citizens sa nasabing proyekto, sundan lamang ang schedule na inilaan upang maging gabay. Para sa kaalaman ng mga mananakay ng MRT3 lalo na ng mga Senior Citizens, ang pamimigay ng libreng sakay hatid ng ALAY KAY NANAY AT TATAY PROJECT ay nagsisimula ng 5:30AM hanggang 9:00AM, Lunes hanggang Biyernes sa mga sumusunod na estasyon:
ARAW
NORTHBOUND
SOUTHBOUND
LUNES
TAFT AVE. STATION
QUEZON AVE. STATION
MARTES
MAGALLANES STATION
KAMUNING STATION
MIYERKULES
GUADALUPE STATION
CUBAO STATION
HUWEBES
BONI STATION
NORTH AVE. STATION
BIYERNES
SHAW BLVD. STATION
SANTOLAN STATION
ANG PANUNTUNAN UPANG MAKAMIT ANG PROBELEHIYONG ITO AY MABABASA SA LAHAT NG MRT3 STATION O MAAARIG MANGHINGI NG KAUKULANG PALIWANAG SA MGA EMPLEYADO NG MRT3.





